top of page
Mga guro at senior citizen

Monday, October 24, 2022

ABANTE

Mga guro at senior citizen

Dalawang haligi ng ating lipunan na malapit sa puso ng inyong Kuya Pulong ang pinagdiwang natin ngayong buwan ng Oktubre. Una ay ang ating mga senior citizens sa nakaraang Elderly Filipino Week sa unang linggo ng Oktubre, at pangalawa ang mga guro sa Teachers’ Day noong October 5.

Mataas ang ating paggalang sa mga guro na siyang tumutulong na humubog ng kaisipan ng mga kabataan.


Hindi lamang pagtuturo ng kaalaman ang sakop ng kanilang propesyon. Hinuhubog din nila ang ating mga anak na maging mga marangal, tapat at responsableng mga mamamayan.

Dapat ring bigyang-pugay ang ating mga senior citizens hindi lamang tuwing Elderly Fllipino Week kundi sa araw-araw na kapiling natin sila. Mahalaga ang papel nila hindi lamang sa ating mga pamilya kundi sa ating bansa. Ang kanilang galing, sipag at mga sakripisyo noon ang isa sa mga dahilan kung bakit umunlad ang ating bansa at nanatiling matatag ang ekonomiya hanggang ngayon.

Dahil ang mga guro at seniors ay malapit sa ating puso, marami sa mga panukalang batas na nai-file natin ngayong Kongreso ay nakatuon sa pangangalaga ng mga karapatan at kapakanan nila.


Sa panig ng mga seniors, ilan sa ating mga panukalang batas para sa kanila ay ang pagtataas ng social pension na tinatanggap ng mga mahihirap na lolo at lola. Sa ilalim ng bill natin, gagawin ng P1,500 kada buwan ang social pension na tinatanggap ng mga indigent o mahihirap na senior citizen.

Nagpanukala rin tayo ng dagdag na benepisyo para sa mga seniors na umabot sa mahigit 80 at 100 years old. Sa bawat pagsapit ng ika-80, ika-85, ika-90, at ika-95 na kaarawan ng senior, ang ating bill ay nagpapanukala na sila ay bigyan ng P25,000. Kapag umabot naman ng 100 years old, ang ibibigay na benepisyo ay P100,000. Kapag sumapit sa kanyang 101 na kaarawan, ang senior ay pagkakalooban ng P1 million.


May bill tayo na nagbibigay pagkakataon na patuloy na makapag-hanapbuhay ang mga masisiglang senior citizens na kaya pang magtrabaho.

Ang isa pang panukalang batas natin ay may layuning protektahan ang mga seniors mula sa karahasan, pang-aabuso at pagpapabaya. May mga nakatakdang parusa na pagkakakulong sa mga ganitong maling gawain laban sa mga seniors.


Para naman sa mga guro, lalo na ang mga public school teachers, may ilang panukalang batas tayong tumutugon sa kanilang mga pangangailangan at pagpapaunlad ng kanilang propesyon.


May mga bills tayo na nagkakaloob ng scholarships sa mga public school teachers at educational assistance para sa kanilang mga anak. May naihain din tayong bill na ang layunin ay bigyan ang mga public school teacher ng P2,000 monthtly allowance para sa pagbili ng kanilang teaching supplies.

Bukod diyan, may panukalang batas rin tayo na ang pakay ay bigyan ng mga computer at allowance para sa paggamit ng internet ang mga public school teacher sa panahon mg mga public health emergency at iba pang krisis.


Naihain din natin ang mga panukalang batas na magkakaloob sa mga public school teacher ng hardship allowance kapag sila ay na-assign sa mga liblib na komunidad.

Pagsusumikapan natin na maipasa sa Kongreso ang mga panukalang batas natin para sa mga guro at senior citizens. Kung pinagdiriwang natin sila taon-taon, mas magandang ito ay may kaakibat na aksyon para patuloy na mapangalagaan ang kanilang mga kapakanan.

Jun 13, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jun 13, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jun 11, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jun 11, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jun 8, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Jun 7, 2024

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. It's easy.

Previous
Next
bottom of page